Add parallel Print Page Options

14 Sinumang(A) hindi tumanggap sa inyo, o duminig sa inyong mga salita, pag-alis ninyo sa bahay o bayang iyon, ay ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa.[a]

15 Katotohanang(B) sinasabi ko sa inyo, higit pang mapapagtiisan sa araw ng paghuhukom ang mga lupain ng Sodoma at Gomorra, kaysa bayang iyon.

Mga Pag-uusig na Darating(C)

16 “Ngayon,(D) sinusugo ko kayong tulad ng mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat, kaya't maging matalino kayong gaya ng mga ahas at maamong gaya ng mga kalapati.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 10:14 Sa mga Judio, ito ay nangangahulugan ng lubusang pagtatakuwil .